Pagbabago?

Pagbabago? Lyrics

Song Pagbabago?
Artist Asin
Album Asin Pag-Ibig, Pagbabago, Pagpapatuloy
Download Image LRC TXT
[00:10.34] Nakakasawa ang mga pangako
[00:15.68] Nakakapagod din ang maghintay
[00:20.34] Ang mga pangakong laging napapako
[00:25.41] Sa pagtitiwala ay pumapatay
[00:30.57] Nakakapagod din ang umasa
[00:35.42] Lalo't ang bituka ay walang laman
[00:40.52] Napakailap sa mahirap ang hustisya
[00:45.24] Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan
[00:51.06] Nag-People Power 1, Nag-People Power 2
[00:56.27] Ang buhay nati'y 'di pa rin nagbabago
[01:01.39] Nag-People Power 1, Nag-People Power 2
[01:06.38] Ngunit hindi pa rin tayo natututo
[01:20.52] Maghapo't magdamag sa pabrika
[01:26.02] Kayod kalabaw sa bukirin
[01:30.18] Ulani't arawin tayo sa kalsada
[01:35.48] Maisulong lamang ang adhikain
[01:40.70] Hinarap na natin ang lahat ng hirap
[01:45.50] Binalikat ang lahat ng pasanin
[01:50.16] Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap
[01:55.03] Sinasarili lamang ng mga sakim
[02:00.76] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing
[02:06.22] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
[02:11.25] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing
[02:16.35] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
[02:22.68] Tayo ang pangharang sa tangke
[02:27.67] Tayo ang pangbala sa kanyon
[02:32.56] Habang nag-aabang ang mga buwitre
[02:37.27] Naghihintay ng tamang pagkakataon
[02:42.97] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing
[02:48.32] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
[02:52.91] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing
[02:58.35] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain
[03:04.74] Tayo ang pangharang sa tanke
[03:09.58] Tayo ang pangbala sa kanyon
[03:14.75] Habang nag-aabang ang mga buwitre
[03:18.89] Bantay-salakay na mga lider ng nasyon
[03:24.52] Kahit mag-EDSA 3, kahit mag-EDSA 4
[03:29.68] Ang buhay nati'y 'di pa rin magbabago
[03:34.63] Kahit mag-People Power, tayo ang talo
[03:39.88] Hangga't hindi tayo natututo
[03:46.65] Hoy, gumising naman kayo
[03:53.53] Ano na?
[03:57.17]
Pagbabago? Lyrics
YouTube Results (More on YouTube)