[00:10.34] Nakakasawa ang mga pangako [00:15.68] Nakakapagod din ang maghintay [00:20.34] Ang mga pangakong laging napapako [00:25.41] Sa pagtitiwala ay pumapatay [00:30.57] Nakakapagod din ang umasa [00:35.42] Lalo't ang bituka ay walang laman [00:40.52] Napakailap sa mahirap ang hustisya [00:45.24] Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan [00:51.06] Nag-People Power 1, Nag-People Power 2 [00:56.27] Ang buhay nati'y 'di pa rin nagbabago [01:01.39] Nag-People Power 1, Nag-People Power 2 [01:06.38] Ngunit hindi pa rin tayo natututo [01:20.52] Maghapo't magdamag sa pabrika [01:26.02] Kayod kalabaw sa bukirin [01:30.18] Ulani't arawin tayo sa kalsada [01:35.48] Maisulong lamang ang adhikain [01:40.70] Hinarap na natin ang lahat ng hirap [01:45.50] Binalikat ang lahat ng pasanin [01:50.16] Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap [01:55.03] Sinasarili lamang ng mga sakim [02:00.76] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing [02:06.22] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain [02:11.25] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing [02:16.35] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain [02:22.68] Tayo ang pangharang sa tangke [02:27.67] Tayo ang pangbala sa kanyon [02:32.56] Habang nag-aabang ang mga buwitre [02:37.27] Naghihintay ng tamang pagkakataon [02:42.97] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing [02:48.32] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain [02:52.91] Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing [02:58.35] Ngunit nang maluto ay iba ang kumain [03:04.74] Tayo ang pangharang sa tanke [03:09.58] Tayo ang pangbala sa kanyon [03:14.75] Habang nag-aabang ang mga buwitre [03:18.89] Bantay-salakay na mga lider ng nasyon [03:24.52] Kahit mag-EDSA 3, kahit mag-EDSA 4 [03:29.68] Ang buhay nati'y 'di pa rin magbabago [03:34.63] Kahit mag-People Power, tayo ang talo [03:39.88] Hangga't hindi tayo natututo [03:46.65] Hoy, gumising naman kayo [03:53.53] Ano na? [03:57.17]