Nakakasawa ang mga pangako Nakakapagod din ang maghintay Ang mga pangakong laging napapako Sa pagtitiwala ay pumapatay Nakakapagod din ang umasa Lalo't ang bituka ay walang laman Napakailap sa mahirap ang hustisya Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan Nag-People Power 1, Nag-People Power 2 Ang buhay nati'y 'di pa rin nagbabago Nag-People Power 1, Nag-People Power 2 Ngunit hindi pa rin tayo natututo Maghapo't magdamag sa pabrika Kayod kalabaw sa bukirin Ulani't arawin tayo sa kalsada Maisulong lamang ang adhikain Hinarap na natin ang lahat ng hirap Binalikat ang lahat ng pasanin Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap Sinasarili lamang ng mga sakim Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing Ngunit nang maluto ay iba ang kumain Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing Ngunit nang maluto ay iba ang kumain Tayo ang pangharang sa tangke Tayo ang pangbala sa kanyon Habang nag-aabang ang mga buwitre Naghihintay ng tamang pagkakataon Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing Ngunit nang maluto ay iba ang kumain Tayo ang nagtanim, ang nagbayo, at nagsaing Ngunit nang maluto ay iba ang kumain Tayo ang pangharang sa tanke Tayo ang pangbala sa kanyon Habang nag-aabang ang mga buwitre Bantay-salakay na mga lider ng nasyon Kahit mag-EDSA 3, kahit mag-EDSA 4 Ang buhay nati'y 'di pa rin magbabago Kahit mag-People Power, tayo ang talo Hangga't hindi tayo natututo Hoy, gumising naman kayo Ano na?