| [00:22.66] | Sino ang maton? May pusong 'di mamon |
| [00:27.16] | Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon |
| [00:31.10] | Ako'y isang maton at tila kamagong |
| [00:36.62] | Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong |
| [00:41.27] | Dahil ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [00:46.08] | Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas |
| [00:50.76] | Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [00:55.76] | Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan |
| [01:03.20] | Tato sa balat, bali itong kagat |
| [01:05.27] | 'Pag ako'y lumapag ay tiklupan lahat |
| [01:07.63] | Kay bilis kumaripas, walang kaparehas |
| [01:10.01] | Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas |
| [01:12.37] | Ako lang ang may kalyo, may kalyong parang bato |
| [01:14.55] | Sa dami ng sinapak, ang lahat ay pinakaba ko |
| [01:16.93] | Parang yelo sa bulok na ngipin, nakakangilo |
| [01:19.20] | 'Pag tinamaan sa panga, sigurado kang hilo |
| [01:22.65] | Ano ba talaga? (ano ba talaga?) |
| [01:23.42] | Ang tunay na kahulugan (ang tunay na kahulugan) |
| [01:25.68] | Ang katagang siga (siga) |
| [01:28.01] | Subukan nating kalagan |
| [01:30.46] | Laging kinakatakutan |
| [01:31.88] | Sakit sa katawan 'pag ika'y inabutan |
| [01:34.20] | Walang makapalag kahit na may binatukan |
| [01:36.37] | Balde ng kamao, ika'y pinapaliguan |
| [01:38.81] | Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [01:43.04] | Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas |
| [01:47.61] | Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [01:52.42] | Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan |
| [01:58.08] | Sa panahon ngayon |
| [02:00.00] | Iba na nilalaman, pahina |
| [02:02.96] | Basahin mo, lumapit ka |
| [02:05.46] | 'Wag kang bibitaw, kumapit ka |
| [02:08.25] | Tawagin mong sinungaling |
| [02:09.56] | Parang kabaluktutan na pinilit maibaling |
| [02:11.79] | Upang maging deretso, baguhin ang palaging |
| [02:14.13] | Gamit na panindak kahit walang pahapahaging |
| [02:17.02] | Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas |
| [02:19.23] | Pakuluin nang lumambot ang butil ng bigas |
| [02:22.38] | Sa bawat hibla ng palay |
| [02:23.73] | Tahakin ang tama kahit na maputik at madulas |
| [02:26.90] | Sino ba ang duwag |
| [02:28.32] | Basag ang mukha, hindi sumalag |
| [02:30.54] | Ngunit sa gapos ng buhay, pumiglas, kinalas |
| [02:32.88] | Pagkain para sa pamilya, sa hapag nilapag, 'yan ang siga |
| [02:35.38] | Sino ang maton? May pusong 'di mamon |
| [02:39.45] | Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon |
| [02:44.20] | Ako'y isang maton at tila kamagong |
| [02:49.03] | Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong |
| [02:53.67] | Dahil ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [02:58.36] | Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas |
| [03:02.96] | Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [03:07.74] | Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan |
| [03:13.25] | Kahit ano mang gamit |
| [03:22.15] | 'Di mo kayang durugin 'to |
| [03:31.90] | Kahit ano mang galit |
| [03:40.86] | 'Di mo kayang takutin 'to |
| [03:46.47] | Kahit takutin, sunugin ang tapang na taglay |
| [03:50.71] | Matapang pagdating sa kapakanan ng iba |
| [03:53.08] | Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba |
| [03:55.45] | 'Di pasisindak sa takot at kaba |
| [03:57.71] | Malaki-laking digmaan ang kanyang mga tato |
| [03:59.94] | Kahit bugbog sarado, 'di magpapatalo |
| [04:02.41] | Kapag binabagsak, agad-agad bumabangon |
| [04:04.88] | Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas |
| [04:07.19] | Itaas ang bandila ng makabagong siga |
| [04:09.19] | Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [04:13.80] | Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas |
| [04:18.43] | Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [04:23.14] | Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan |
| [04:28.19] | Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas |
| [04:32.55] | Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas |
| [04:37.24] | Ako'y siga, 'di mahina, 'pag tumawag sa taas |
| [04:41.91] | Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan |
| [04:48.60] |