Sino ang maton? May pusong 'di mamon Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon Ako'y isang maton at tila kamagong Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong Dahil ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan Tato sa balat, bali itong kagat 'Pag ako'y lumapag ay tiklupan lahat Kay bilis kumaripas, walang kaparehas Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas Ako lang ang may kalyo, may kalyong parang bato Sa dami ng sinapak, ang lahat ay pinakaba ko Parang yelo sa bulok na ngipin, nakakangilo 'Pag tinamaan sa panga, sigurado kang hilo Ano ba talaga? (ano ba talaga?) Ang tunay na kahulugan (ang tunay na kahulugan) Ang katagang siga (siga) Subukan nating kalagan Laging kinakatakutan Sakit sa katawan 'pag ika'y inabutan Walang makapalag kahit na may binatukan Balde ng kamao, ika'y pinapaliguan Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan Sa panahon ngayon Iba na nilalaman, pahina Basahin mo, lumapit ka 'Wag kang bibitaw, kumapit ka Tawagin mong sinungaling Parang kabaluktutan na pinilit maibaling Upang maging deretso, baguhin ang palaging Gamit na panindak kahit walang pahapahaging Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas Pakuluin nang lumambot ang butil ng bigas Sa bawat hibla ng palay Tahakin ang tama kahit na maputik at madulas Sino ba ang duwag Basag ang mukha, hindi sumalag Ngunit sa gapos ng buhay, pumiglas, kinalas Pagkain para sa pamilya, sa hapag nilapag, 'yan ang siga Sino ang maton? May pusong 'di mamon Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon Ako'y isang maton at tila kamagong Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong Dahil ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan Kahit ano mang gamit 'Di mo kayang durugin 'to Kahit ano mang galit 'Di mo kayang takutin 'to Kahit takutin, sunugin ang tapang na taglay Matapang pagdating sa kapakanan ng iba Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba 'Di pasisindak sa takot at kaba Malaki-laking digmaan ang kanyang mga tato Kahit bugbog sarado, 'di magpapatalo Kapag binabagsak, agad-agad bumabangon Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas Itaas ang bandila ng makabagong siga Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan Ako'y siga, 'di mahina, ang matapang lumabas Kahit sa anong bakbakan, papalag ng matigas Ako'y siga, 'di mahina, 'pag tumawag sa taas Kahit sa anong bakbakan, walang inuurungan