| [00:22.91] | Nakaupo ako, lumalamon sila |
| [00:28.82] | Masasaya itong aking mga kaibigan |
| [00:33.84] | Abot-kamay nila ang bunga ng puno |
| [00:39.40] | Dahil balikat ko ang ginawang tungtungan |
| [00:45.05] | Habang namimitas, lalong natatakam |
| [00:50.92] | Sila ay para bang wala nang kabusugan |
| [00:56.28] | Kahit alam nilang mayro'ng mga langgam |
| [01:01.82] | At ang aking paa ang siyang inuupakan |
| [01:08.43] | Nais ko nang magpahinga |
| [01:13.22] | Marami na 'kong nagawa at natulungan |
| [01:19.63] | Ako'y labis na nag-aalala |
| [01:24.42] | Baka ang puno ay tuluyan nang maubusan ng bunga |
| [01:30.56] | |
| [01:41.65] | Nakaupo ako, nagbabantay sila |
| [01:46.78] | Ang mga aso ko'y laging maaasahan |
| [01:52.30] | Hindi ko lang alam ang binabantayan |
| [01:58.28] | Ito bang puno o itong aking upuan? |
| [02:03.89] | Itali ko kaya sa bahay ng langgam |
| [02:09.26] | Maglilingkod ba o maghahari-harian? |
| [02:15.15] | Masasagot lamang ang malaking tanong |
| [02:20.79] | Kapag ako ay nawala na nang lubusan |
| [02:27.15] | Nais ko nang magpahinga |
| [02:31.92] | Marami na 'kong nagawa at natulungan |
| [02:38.10] | Ako'y labis na nag-aalala |
| [02:43.16] | Baka itong mga aso ay maulol at magwala |
| [02:49.14] | |
| [03:00.33] | Nakaupo ako, naiinggit sila |
| [03:05.72] | Silang nais na pumalit sa 'king upuan |
| [03:11.34] | Ayokong tumayo sa upuang ito |
| [03:16.78] | Kahit ito'y sinusurot at inaanay |
| [03:22.35] | Ang upuang ito ay para sa bantay |
| [03:27.99] | Ng punong ang ibinubunga'y kayamanan |
| [03:33.85] | Nangangamba ako kung uupo sila |
| [03:39.44] | Baka ang puno ay lalong mapabayaan |
| [03:45.89] | Nais ko nang magpahinga |
| [03:50.69] | Marami na 'kong nagawa at natulungan |
| [03:56.85] | Ako'y labis na nag-aalala |
| [04:01.65] | Marami ang magtutulakan, makuha lang ang aking upuan |
| [04:15.51] |