[00:22.91] Nakaupo ako, lumalamon sila [00:28.82] Masasaya itong aking mga kaibigan [00:33.84] Abot-kamay nila ang bunga ng puno [00:39.40] Dahil balikat ko ang ginawang tungtungan [00:45.05] Habang namimitas, lalong natatakam [00:50.92] Sila ay para bang wala nang kabusugan [00:56.28] Kahit alam nilang mayro'ng mga langgam [01:01.82] At ang aking paa ang siyang inuupakan [01:08.43] Nais ko nang magpahinga [01:13.22] Marami na 'kong nagawa at natulungan [01:19.63] Ako'y labis na nag-aalala [01:24.42] Baka ang puno ay tuluyan nang maubusan ng bunga [01:30.56] [01:41.65] Nakaupo ako, nagbabantay sila [01:46.78] Ang mga aso ko'y laging maaasahan [01:52.30] Hindi ko lang alam ang binabantayan [01:58.28] Ito bang puno o itong aking upuan? [02:03.89] Itali ko kaya sa bahay ng langgam [02:09.26] Maglilingkod ba o maghahari-harian? [02:15.15] Masasagot lamang ang malaking tanong [02:20.79] Kapag ako ay nawala na nang lubusan [02:27.15] Nais ko nang magpahinga [02:31.92] Marami na 'kong nagawa at natulungan [02:38.10] Ako'y labis na nag-aalala [02:43.16] Baka itong mga aso ay maulol at magwala [02:49.14] [03:00.33] Nakaupo ako, naiinggit sila [03:05.72] Silang nais na pumalit sa 'king upuan [03:11.34] Ayokong tumayo sa upuang ito [03:16.78] Kahit ito'y sinusurot at inaanay [03:22.35] Ang upuang ito ay para sa bantay [03:27.99] Ng punong ang ibinubunga'y kayamanan [03:33.85] Nangangamba ako kung uupo sila [03:39.44] Baka ang puno ay lalong mapabayaan [03:45.89] Nais ko nang magpahinga [03:50.69] Marami na 'kong nagawa at natulungan [03:56.85] Ako'y labis na nag-aalala [04:01.65] Marami ang magtutulakan, makuha lang ang aking upuan [04:15.51]