|
Magdalena ano'ng problema |
|
Bakit 'di ka makawala sa kadena? |
|
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda |
|
Na hanap buhay mo ngayon |
|
Magdalena ano'ng problema |
|
Alam naman natin na dati kang nena |
|
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa |
|
Ano'ng nangyari sa'yo? |
|
Ito'y kwento ng isang babaeng |
|
Tulog sa umaga, gising sa gabi |
|
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete |
|
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi |
|
Simulan na natin ang istorya |
|
Ako'y kanyang matalik na kaibigan |
|
Ernesto ang aking pangalan |
|
Kwentong dapat 'nyong malaman |
|
'Wag nang magbulag bulagan |
|
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba? |
|
Pagbibigyan kita |
|
Kilala mo ba si Magda? |
|
Na aking kababata mula pa ng pagkabata |
|
Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa |
|
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid |
|
At pag siya'y dumadaan mga leeg ay pumipilipit |
|
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga |
|
Tuwing kausap ko na malimit akong tulala |
|
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara |
|
Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya |
|
At sa sayawan matapos kaming makapagtapos |
|
Dahil pinawis ang mukha ako'y nagpunas ng pulbos |
|
Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila |
|
Pinakilala niya lalaki na taga Maynila |
|
Magdalena ano'ng problema |
|
Bakit 'di ka makawala sa kadena? |
|
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda |
|
Na hanap buhay mo ngayon |
|
Magdalena ano'ng problema |
|
Alam naman natin na dati kang nena |
|
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa |
|
Ano'ng nangyari sa'yo? |
|
Maraming taon ako'y nalipasan |
|
Pinilti ko mang takasan |
|
Bagkus ay aking nalaman |
|
Ang tunay kong kailangan |
|
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba |
|
Minamahal ko s'ya |
|
Hahanapin ko si Magda |
|
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan |
|
Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan |
|
Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan |
|
Iba man ang kulay ng buhok 'di ko malilimutan |
|
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti |
|
At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili |
|
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim |
|
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing |
|
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta |
|
Sa maliit na entablado ay nakita ko na |
|
Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot |
|
Bakit s'ya sumasayaw na sapatos lang ang suot? |
|
Ito'y kwento ng isang babaeng |
|
Tulog sa umaga, gising sa gabi |
|
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete |
|
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi |
|
Ituloy natin ang istorya |
|
Agad siyang sumama sa'kin walang kakabakaba |
|
Ang trato niya sa'kin ay nobyo tila katakataka |
|
Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. Mesa |
|
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena |
|
Kung ito ay panaginip ayoko nang magising |
|
Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising |
|
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag |
|
Liham para sa'kin na isinulat niya magdamag |
|
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin |
|
'Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin |
|
Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo'y malalim |
|
'Di na 'ko nagpaalam 'di na kita ginising |
|
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay |
|
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay |
|
Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko |
|
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko |
|
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino |
|
'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko |
|
Imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin |
|
Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim |
|
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin |
|
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin |
|
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng |
|
Alam ang amoy ng laway ng iba't-ibang lalake |
|
Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki |
|
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi |
|
Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap |
|
Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap |
|
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat |
|
At ang katulad ko sa'yo ay 'di karapat-dapat |
|
Pinangarap kong sa altar ako'y iyong ihatid |
|
Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid |
|
'Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik |
|
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik |
|
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala |
|
Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda |
|
Magdalena ano'ng problema |
|
Bakit 'di ka makawala sa kadena? |
|
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda |
|
Na hanap buhay mo ngayon |
|
Magdalena ano'ng problema |
|
Alam naman natin na dati kang nena |
|
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa |
|
Ano'ng nangyari sa'yo? |
|
Ito'y kwento ng isang babae |