| Ang awit na ito'y isang bato-bato sa langit | |
| Ang sino mang tamaan ay huwag sanang magagalit | |
| Bago dumaing at maghanap ng sisisihin | |
| Dapat munang ikaw ay gumising | |
| Gising ka na ba no'ng bago naging isang magulang? | |
| Ang dami ng anak mo ba'y iyong pinagplanuhan? | |
| Naibilang mo ba sila sa iyong kayang buhayin | |
| At kaya ng bulsang pag-aralin? | |
| Gising ka na ba no'ng halos wala kayong makain | |
| At 'di mo mapigilang sa asawa ay sumiping? | |
| Kung apelyido lang ang hangad mong paramihin | |
| Dapat lang na ikaw ay gisingin | |
| Gumising at magtrabaho na | |
| Gumising at magtiyaga ka na | |
| Gumising at magtipid ka na | |
| Gumising at mag-ipon ka na | |
| Katabi ay dapat isama mo | |
| Katabi ay dapat hatakin mo | |
| Katabi ay dapat turuan mo | |
| Tapikin ang isip, gisingin mo | |
| Gising ka na ba no'ng kamuntik nang masagasaan | |
| Ang iyong mga anak na laging nasasa lansangan? | |
| Kung hindi nababantayan at walang susupil | |
| Sino sa iyong tingin ang inutil? | |
| Gising ka na ba no'ng mga nakaraang halalan | |
| At naniwala kang mahahango sa kahirapan? | |
| Kung pangako lamang ang iyong inaasahan | |
| Gising na't nasa 'yo ang katuparan | |
| Gumising at magtrabaho na | |
| Gumising at magtiyaga ka na | |
| Gumising at magtipid ka na | |
| Gumising at mag-ipon ka na | |
| Katabi ay dapat isama mo | |
| Katabi ay dapat hatakin mo | |
| Katabi ay dapat turuan mo | |
| Tapikin ang isip, gisingin mo | |
| Awit na ito'y isang bato-bato sa langit | |
| Ang sino mang tamaan ay huwag sanang magagalit | |
| Bago dumaing at maghanap ng sisisihin | |
| Dapat munang kayo ay gumising |