|
Mahirap isipin kung papaano |
|
Ngunit ang kasagutan ay nasasaiyo |
|
Nasaan ka sa mundong ito |
|
Anong nagawa mo sa kapwa mo |
|
Bakit may mga taong nanglalamang |
|
Sa mga tao na kaunti lang ang alam |
|
Hindi mo ba alam |
|
Na ang buhay natin ay hiram lamang |
|
Ba't nagkaganito |
|
Bakit ka nandirito |
|
Hindi mo ba nalalaman |
|
Na iisa lang ang ating hantungan |
|
Walang iba kundi ang libingan |
|
Bakit ganoon ang tao sa lipunan |
|
Marami sa kanila ang gahaman |
|
Ang tanging hangad ay magpayaman |
|
Di bale kahit kapwa'y matapakan |
|
Lahat ng adhikain tungo sa kasamaan |
|
Ngunit ang nasa bibig ay puro kabutihan |
|
Marahas na paraan ang tanging alam |
|
Kahit ang maykapal ay gusto pang higitan |
|
Ba't nagkaganito |
|
Bakit ka nandirito |
|
Hindi mo ba nalalaman |
|
Na iisa lang ang ating hantungan |
|
Walang iba kundi ang libingan |
|
Ang tanong ko ngayo'y ganito |
|
Sa lahat na nandirito |
|
Tingan mo ang iyong anino |
|
Yan ba ay sa iyo |