| Unti-unting sinasandal ang ulo | |
| Habang luha'y tumutulo | |
| Mga kamay natin tila sumasayaw | |
| 'Kala mong di pa bibitaw | |
| Bawat sandali ay sinusulit | |
| Kahit 'di ito sa atin | |
| Tuloy ang pag-indak ng ating puso | |
| 'Kala mong di pa susuko | |
| Bakit ba pinilit? | |
| Ang hindi magiging atin? | |
| Tumigas ang pagkapit | |
| Tumitig at nasabi | |
| Mahal kita | |
| Pero ayaw na ng tadhana | |
| Mahal, hindi ko na kaya | |
| Ako'y magpapaalam na | |
| Sa'yo | |
| Mahal kita, mahal kita | |
| Mahal hindi ko na kaya | |
| Ako'y magpapaalam na | |
| Mahal kita | |
| Pero ayaw na ng tadhana | |
| Mahal hindi ko na kaya | |
| Ako'y magpapaalam na | |
| Ika'y malaya na | |
| 'Di ko na alam kung pano | |
| Pero dito na lang tayo | |
| Eto na ang ating dulo | |
| Bibitaw na sa'yo | |
| Umiiyak ang aking puso | |
| Pero dapat nang sumuko | |
| Eto lang ang kapalaran | |
| Paalam | |
| Mahal kita | |
| Bakit ayaw na ng tadhana? | |
| Wagas na ng ating ligaya | |
| Ayoko ng ipilit pa | |
| Ika'y malaya na |