| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na | |
| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na | |
| Napakahirap mong mahagilap | |
| Maaari bang masuot ang iyong agimat? | |
| Pampa manpamanhid lang saking balikat | |
| Kahit na sabi nila sa hiwaga'y mag ingat ka | |
| Paliwanag ko'y may sinag na | |
| Nakakasilaw sa mata ng mga nabihag nya | |
| Sapot na sakop ang malawak ng bakod, nakakatakot | |
| Pasok ka salot dito ang alak at usok ay hinahakot | |
| Bago ibalot, sukat ang salop | |
| Utakan, sahod, tulakan, kayod | |
| Bawal mapagod laging matayog | |
| Ang pag lipad hanggang sa tala umabot | |
| Pero kung 'di mo man ito marating balik sa dilim | |
| Na puro halimaw ang yong kahambing | |
| Pinunong may ulong kambing | |
| Hangad ay kapayapaan habang hawak ay patalim | |
| Dagat dagatang apoy na puno ng pating | |
| Imposible lahat ng gusto mong maging | |
| Kahit pa siko mo'y kagatin | |
| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na | |
| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na | |
| Naumay na sa bawat bakit | |
| Ng mga nagha-hanap ng dahilan | |
| Napilitan nang lumapit kahit | |
| Ano pang ganap at nagsi-dalian | |
| Maligalig sa pagkahig ang mga paa | |
| Nang laging may makabig bago mawala palaring | |
| mapasakin ang mga dinadala-ngin sa malalim na pagtingala | |
| Paligid ay galit merong mga titik | |
| Sa loob ng mga matang nakatitig | |
| Habang nanlilisik pinagdikit-dikit ang nabuong salita ko ay "pag-ibig" | |
| Gaano kasakit? | |
| Walang sumagot di tuloy, nakapaghanda ng gamot | |
| Kung walang nagbigay at walang nag-abot wag mong balikan ng pagdadamot | |
| Maulap-ulap nung sinubukang makasilip sa mga nakapiit | |
| Binuhusan ng kaalaman | |
| Pagkat minsan lang makatikim ng dilig | |
| Tipikal na kamalayang madali lang mapabilib | |
| Manatiling pakurap-kurap ka lang | |
| Kada saglit pagnamulat, di ka na makakapikit | |
| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na | |
| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na | |
| Ako ay matatagpuan | |
| Sa pusod ng dagat | |
| Nakasakay sa bangka sa pang apat | |
| Rinig mo din sa dulo ng tawag | |
| Ramdam ko naman ang gaspangan | |
| Sa bawat tapikan ng palad | |
| Batid ko na k'agad | |
| Tagay parang di na banayad | |
| Nakakabagabag | |
| Mga written na kapunit punit | |
| Freestyle na pauli ulit | |
| Dapat linyahan parang tapat na timbangan | |
| Bawat guhit sulit | |
| Ano napa'no ka? | |
| Tropa napa'no ka? | |
| Nasilip mo ba'ng muli ang mundo | |
| Kung san hintayan mo nung ligaw ka pa lang na kaluluwa | |
| Taga gising ng diwang tulog mantika | |
| Naglakbay palayo ng maynila | |
| Hanap ay kasagutan na tila | |
| Nasa dulo ng dila | |
| 'Pag ba ipiniga tong daliri na to sa nakatutok na Magnum | |
| Maging klasik kaya yung pamana kong album | |
| Palaisipan kung | |
| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na | |
| Ano'ng nasa dako paroon | |
| Isa sa marami pa'ng tanong | |
| Nito'ng malikot na pag-iisip | |
| Ano na? Pano na? Pano, naano na |