|
Noong isilang ka sa mundong ito |
|
Laking tuwa ng magulang mo |
|
At ang kamay nila ang iyong ilaw |
|
At ang nanay at tatay mo'y |
|
Di malaman ang gagawin |
|
Minamasdan pati pagtulog mo |
|
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay |
|
Sa pagtimpla ng gatas mo |
|
At sa umaga nama'y kalong ka |
|
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo |
|
Ngayon nga ay malaki ka na |
|
Nais mo'y maging malaya |
|
Di man sila payag |
|
Walang magagawa |
|
Ikaw nga ay biglang nagbago |
|
Naging matigas ang iyong ulo |
|
At ang payo nila'y sinuway mo |
|
Di mo man lang inisip na |
|
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo |
|
Pagkat ang nais mo'y |
|
Masunod ang layaw mo |
|
Di mo sila pinapansin |
|
Nagdaan pa ang mga araw |
|
At ang landas mo'y naligaw |
|
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo |
|
At ang una mong nilapitan |
|
Ang iyong inang lumuluha |
|
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan" |
|
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin |
|
Nagsisisi at sa isip mo'y |
|
Nalaman mong ika'y nagkamali |
|
Nagsisisi at sa isip mo'y |
|
Nalaman mong ika'y nagkamali |
|
Nagsisisi at sa isip mo'y |
|
Nalaman mong ika'y nagkamali... |