| Tapos na 'ko sa sundalo | |
| Sa kalapati naman | |
| Ayoko talagang isulat 'pag ganito | |
| Ang laman | |
| Baka isipin pa nila | |
| Sa kabila ng lahat | |
| Humihingi ng simpatya | |
| Para lang makaangat | |
| May kalapating nag-alaga sa 'kin | |
| Simula't sapul | |
| Napakaliit ko pa no'n | |
| Mas maliit pa kay dagul | |
| Etong kalapati na 'to | |
| Madalas lumilipad | |
| Naghahanap siya ng pagkain | |
| Na pwede kong makagat | |
| Madalas na mag-isa | |
| Kaya naging matatag | |
| Iniisip ko na lang | |
| Na babalik siya agad | |
| Dinadalasan ang dasal | |
| Para lalong marinig | |
| Penge ng jacket kuya willie | |
| Sa gabing malamig | |
| Naranasan na namin | |
| Ang madalas na matakot | |
| Hindi sa multo | |
| Kundi sa tunay na bangungot | |
| 'Wag kang mag-alala | |
| Mawawala din 'to lahat | |
| Kasi ikaw ang kalapati na matayog ang lipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang nagturo sa akin lumipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang nagturo sa akin lumipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad | |
| Ano ba naman ito | |
| Merong biglang dumating | |
| Kamalasang may kasamang | |
| Biyayang dumadaing | |
| Dis oras ng gabi may balitang | |
| Dumating sa 'kin | |
| Nahuli daw kasi | |
| Ang ibong gusto akong buhayin | |
| Bigla akong dumilat | |
| 'Di alam ang gagawin | |
| Hilong-hilo at parang biglang | |
| Umikot ang paningin | |
| Pinuntahan ko siya | |
| Huli na 'kong nakarating | |
| Pinipiktyuran na | |
| Walang areglong gagawin | |
| Pero merong isang daga | |
| Na may dalang maraming keso | |
| Agad na pinalaya at wala ng kesyo | |
| Kwento | |
| Babaeng kalapating | |
| Umiiyak sa kaba | |
| Gaano kasakit ang | |
| Makita kita sa hawla | |
| Ako naman ang kukuha ng | |
| Perang walang kwenta | |
| Lahat ng kailangan mo | |
| Ako magdadala | |
| 'Wag ka nang mag-alala | |
| Mawawala din 'to lahat | |
| Kasi ikaw ang kalapating | |
| Nagbigay sa akin ng mga pakpak | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang nagturo sa akin lumipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang nagturo sa akin lumipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad | |
| Napakalakas ko 'pag alam ko na nandito ka | |
| Pero mas lalong lumakas pa | |
| Nung hinuli ka nila | |
| Konting panahon na lang | |
| Sabay natin lahat kukunin | |
| Bubuksan ang kandado ng hawla | |
| Kahit pilitin | |
| Mahal kita, ang tiisin ka hindi ko kaya | |
| Ginto kang kalapati at hindi ka basta maya | |
| 'Wag kang mag-alala halos | |
| Abot ko na lahat | |
| Dahil sa mama ko | |
| Na sobrang taas din kung lumipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang nagturo sa akin lumipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang nagturo sa akin lumipad | |
| Ikaw ang kalapating iba sa lahat | |
| Ikaw ang dahilan kung ba't ako lumilipad |