|
Pagmasdan ang ulan, |
|
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak |
|
Pagmasdan ang dilim, |
|
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan |
|
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda, |
|
Kasabay rin ng hanging kumakanta |
|
Maari bang huwag ka na |
|
Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na |
|
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan |
|
Tulad ng pag-agos mo, |
|
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab |
|
Pag-ibig ko'y umaapaw, |
|
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa |
|
Tuwing umuulan at kapiling ka |
|
Pagmasdan ang ulan, |
|
Unti-unting tumitila |
|
Ikaw ri'y magpapaalam na |
|
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa |
|
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi |
|
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa |
|
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo |
|
Pag-ibig ko'y umaapaw, |
|
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa |
|
Tuwing umuulan at kapiling ka |
|
(Oooohhh) |