|
Kamukha mo si Paraluman |
|
Nung tayo ay bata pa |
|
At ang galing galing mong sumayaw |
|
Mapa boogie man o cha cha |
|
Ngunit ang paborito |
|
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo |
|
Nakakaindak, nakakaaliw |
|
Nakakatindig balahibo |
|
Pagkaggaling sa eskwela |
|
Ay dideretso na sa inyo |
|
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako |
|
Magkahawak ang ating kamay |
|
At walang kamalaymalay |
|
Na tinuruan mo ang puso ko |
|
Na umibig ng tunay |
|
Naninigas ang aking katawan |
|
Kapag umikot na ang plaka |
|
Patay sa kembot ng beywang mo |
|
At pungay ng yong mga mata |
|
Lumiliwanag ang buhay |
|
Habang tayo'y magkaakbay |
|
At dahang dahang dumudulas |
|
Ang kamay ko sa makinis mong braso |
|
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo |
|
At kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko |
|
Magkahawak ang ating kamay |
|
At walang kamalaymalay |
|
Na tinuruan mo ang puso ko |
|
Na umibig ng tunay |
|
La la la la la... |
|
At lumipas ang maraming taon |
|
Hindi na tayo nagkita |
|
Balita ko'y may anak ka na |
|
Ngunit walang asawa |
|
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita |
|
At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita |
|
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw |
|
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw |
|
Magkahawak ang ating kamay |
|
At walang kamalaymalay |
|
Na tinuruan mo ang puso ko |
|
Na umibig ng tunay |
|
Magkahawak ang ating kamay |
|
At walang kamalaymalay |
|
Na tinuruan mo ang puso ko |
|
Na umibig ng tunay |
|
La la la la la.... |