|
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena |
|
Para bumili ng suka |
|
Pagbayad ko aking nakita isang dalagang |
|
Nakadungaw sa bintana |
|
Natulala ako, laglag ang puso ko |
|
Nalaglag rin ang sukang hawak ko |
|
Napasigaw si Aling Nena |
|
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa |
|
Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na |
|
Nakatawa ang dalaga |
|
Panay ang sori ko, sa pagmamadali |
|
Nakalimutan pa ang sukli ko. |
|
Pagdating sa bahay, nagalit si nanay |
|
Pero oks lang, ako ay in-lab nang tunay. |
|
Tindahan ni Aling Nena |
|
Parang isang kuwentong pampelikula |
|
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda |
|
Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera. |
|
Pumunta ako sa tindahan kinabukasan |
|
Para makipagkilala |
|
Ngunit sabi ni Aling Nena |
|
Habang maaga'y huwag na raw akong umasa |
|
Anak niya'y aalis na, papuntang Canada |
|
Tatlong araw na lang ay babay na. |
|
(Repeat Chorus) |
|
Hindi mapigil ang damdamin |
|
Ako'y nagmakaawang ipakilala |
|
Payag daw siya kung araw-araw |
|
Ay meron akong binibili sa tinda niya. |
|
Ako'y pumayag at pinakilala niya |
|
Sa Kanyang kaisa-isang dalaga |
|
Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na |
|
At iniwan akong nakatanga. |
|
(Repeat Chorus) |
|
Tindahan ni Aling Nena |
|
Dito nauubos ang aking pera |
|
Araw-araw ay naghihintay |
|
O Aling Nena, plis naman, maawa ka |
|
Alam ninyo'ng nangyari? |
|
Wala... wala... ahh... |
|
O Diyos ko! |
|
Wala... wala... ahh... |