Isang Buhay

Isang Buhay Lyrics

Song Isang Buhay
Artist Abaddon
Album Katibayan
Download Image LRC TXT
[00:21.79] Sa bawat buhay ng tao'y mayro'ng pag-ibig na nakahimlay
[00:24.86] At ang tanging dapat mo lang gawin, sa aki'y sumabay
[00:27.75] Halika na't gisingin natin ang tulog mong diwa
[00:30.38] Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa
[00:33.23] Sa pagkakataong ito, hari aking opinyon
[00:35.72] Layunin ko'y magkaisa lahat ng relihiyon
[00:38.51] Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin
[00:41.44] Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin ng Diyos
[00:44.96] Ano mang oras, handa man o hindi
[00:47.03] Madadaig mo ba si Kristo sa kanyang pagtitimpi
[00:50.02] Habang pasan ang krus at ipinakong walang laban
[00:52.94] Mahal ka ng Diyos, hindi mo lang 'to nalalaman
[00:56.22] Minsan sa ating buhay, mayro'ng suliranin
[00:58.57] At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin
[01:01.73] Basta't mahalaga mayro'ng isang pag-ibig
[01:04.03] Umaasang may gabay na nandiyan lang sa 'ting paligid dahil tayo'y may
[01:06.94] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[01:13.89] Kailangan mo at ng buong mundo
[01:18.55] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[01:24.10] Kailangan mo at ng buong mundo
[01:29.44] Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama
[01:31.10] At inasa ang lahat sa 'king nag-iisang ina
[01:34.78] Ang mayakap sya't pasalamatan, gusto ko pa sana
[01:37.59] Nang hindi hinahangad saki'y nakalaang pamana
[01:40.58] Ngunit, ako ay naligaw, kay haba na ng sungay
[01:43.10] Sa tuwing kakausapin niya ko, mata ko'y mapungay
[01:46.14] Pinili kong daan, iba sa karaniwang bata
[01:49.08] Impiyernong itinuri, mas matindi pa yata
[01:52.27] Ang mapayapa at pangakong paraiso
[01:54.67] Ay 'di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso
[01:58.01] Limutin na lang ano man ang maibigan
[02:00.35] Kung wala kang pera, walang tapat na kaibigan
[02:03.02] Masaklap man ang inabot ko, katulad ba sa 'yo
[02:05.88] Istorya ko't maging sayo'y hindi naman nagkalayo
[02:08.72] Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan
[02:11.36] Tuloy pa rin ang luha, ilan beses man punasan dahil mayro'n kang
[02:14.89] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[02:20.84] Kailangan mo at ng buong mundo
[02:25.90] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[02:32.16] Kailangan mo at ng buong mundo
[02:37.06] Dumalaw sa mga kaibigan para matulungan sila
[02:40.11] Na maibsan ang kalungkutan sa kulungan
[02:42.39] 'Yan ang aking gawain dati kung alam niyo
[02:44.87] Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo
[02:47.69] Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso
[02:51.01] Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso
[02:54.11] At isang pilas ng papel na nilamukos
[02:56.42] Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos
[02:59.40] At bakit ganon? 'Pag sinabing Muslim ay matapang
[03:01.87] 'Pag sinabing taga Capiz, mangkukulam, mambabarang
[03:04.63] 'Pag sinabing waray, walang awa akong pumatay
[03:07.33] At 'pag sinabing Pilipino, alipin habang-buhay
[03:10.16] Ako ay Pilipino, isa rin sa kinakapos
[03:12.91] Tanong ko lang, sino ba yung tinatawag nilang Diyos?
[03:15.62] Siya ba 'yung nakasama mo sa madilim na eskinita
[03:18.64] At inakay ka sa may liwanag kahit 'di mo siya nakita?
[03:22.11] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[03:28.44] Kailangan mo at ng buong mundo
[03:33.23] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[03:39.57] Kailangan mo at ng buong mundo
[03:44.52] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[03:50.73] Kailangan mo at ng buong mundo
[03:55.62] Isang buhay na may pag-ibig, 'yan ang kailangan ko
[04:02.03] Kailangan mo at ng buong mundo
[04:06.41]
Isang Buhay Lyrics
YouTube Results (More on YouTube)