| [00:14.77] | Dito sa amin kung saan nanggaling |
| [00:17.83] | Mga makatang ulam at kanin |
| [00:21.08] | Lang ang mga payad, pero pumapayag |
| [00:23.81] | Upang masubukan at mapatunayan |
| [00:27.04] | Lagi Mong tatandaan |
| [00:29.02] | Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo |
| [00:33.11] | 'Wag mo palalampasin ang pag-kakataon |
| [00:36.27] | Na pukpukin ang pako para bumaon |
| [00:52.26] | Narito na muli ang isang Tao |
| [00:55.65] | Di nag-atubi na aking mabago |
| [00:58.81] | Ang 'yong pagtingin sa mga taong humahawak ng mikropono |
| [01:02.67] | Kahit maputik ay humahakbang |
| [01:05.12] | Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak |
| [01:08.19] | Bawat tunog nang palakpak sa 'ki'y tumatatak |
| [01:11.43] | Pero hindi tumataas aking mga paa |
| [01:14.52] | Nakatungtung sa lupa, dahil alam ko na ako'y nasa Pinas |
| [01:19.27] | May pila sa bigas |
| [01:21.09] | Sila lang ang sikat, na bulsa'y di butas |
| [01:23.90] | Para 'di mautas dapat ay matigas ang 'yong mukha |
| [01:28.11] | Kahit pa'no'y matikman ang katas ng ubas |
| [01:31.32] | Ang problema'y lutas |
| [01:32.82] | May maayos na tela |
| [01:34.70] | Maong hindi kupas |
| [01:36.19] | Ang sabi mo sa 'ki'y ay hindi ko na makakayang habulin |
| [01:39.16] | Mga pangarap ko'y ipunin, pagkatapos ay higupun |
| [01:42.56] | Higupin nang higupin parang baso na may yelo |
| [01:45.94] | Ilan pa bang salita ang dapat kong banggitin na laging bumebwelo |
| [01:48.61] | Bueno, Yaman din lamang na kayo'y narito na |
| [01:52.07] | Sige pakinggan ang bagong nasulat kong kanta |
| [01:54.81] | HOY! |
| [01:55.62] | Lagi Mong tatandaan |
| [01:57.54] | Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo |
| [02:01.24] | 'Wag mo palalampasin ang pag-kakataon |
| [02:04.51] | Na pukpukin ang pako para bumaon |
| [02:10.15] | Hindi mo kayang pigilan |
| [02:16.38] | Hindi mo kayang galusan ang puso kong balot nang bakal |
| [02:28.73] | Na patuloy, patuloy sa pag-tibok |
| [02:33.76] | Humihinga kahit amoy bulok |
| [02:35.85] | Walang tigil sa pag-subok kahit parang ga-buhok lang ang pusibilidad |
| [02:40.80] | Mula sa murang edad sa pawis laging babad |
| [02:43.82] | Kumakayod sa syudad |
| [02:45.36] | Akinse o atrenta, kilo o delata |
| [02:49.07] | Kanin na mas mura pa ang CD na perata ng bata na si Pollisco |
| [02:53.45] | Si Gloc ba kamo? (Mismo) |
| [02:55.46] | Bawat plema nang pangungutya ay tiniis ko |
| [02:58.60] | Listo pa rin kahit na inaantok |
| [03:01.17] | Baka may mapanaginipan akong kanta na patok sa masa |
| [03:05.03] | Na para bang ito'y nagsisilbing pang lunas |
| [03:07.60] | Hindi maalis para bang sinbuyas kahit na ika'y maghugas ng kamay |
| [03:11.77] | Gamit ang baretang sabon ni Inay |
| [03:13.95] | Bawat salitang ginagamit ang isip Mo'y tinatanggay ng tula ko |
| [03:18.12] | Tandaan mo wala pang nagbabago |
| [03:20.60] | Pagpinalo nang martilyo lulubog ang pako |
| [03:27.15] | Dito sa amin kung saan nanggaling |
| [03:30.41] | Mga makatang ulam at kanin |
| [03:33.47] | Lang ang mga payad, pero pumapayag |
| [03:36.41] | Upang masubukan at mapatunayan |
| [03:39.76] | Lagi Mong tatandaan |
| [03:41.58] | Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo |
| [03:45.69] | 'Wag mo palalampasin ang pag-kakataon |
| [03:49.27] | Na pukpukin ang pako para bumaon |
| [04:05.90] |