| mis na mis na kita sa bawat gabi | |
| naalala na ikaw pa ay nasa tabi | |
| ang sabi nila na maghanap na ng iba | |
| bat di magawa sa piling ko nandyan ka pa | |
| ako'y nagtatanong sa diyos na lumalang | |
| bat di pa binigay ang buhay na walang hanggan | |
| ikaw lamang ang tangi kong kaligayahan | |
| at sa buhay ko nagbibigay ng kasiyahan | |
| alam ko ang sakit ng pagkawala | |
| mga dumaan na araw na ako ay tulala | |
| aking kinakaya ang sakit na dinaramdam | |
| dahil ang tulad mo ay kay hirap malimutan | |
| kung pagbibigyan sana ng diyos na humiling | |
| hihilingin na bumalik ka sa aking piling | |
| at kung maririnig mo lamang ako sinta ko | |
| ikaw pa rin ang nasa sa puso yan ang totoo | |
| chorus: | |
| kailanman ikaw lamang aking mahal | |
| kailanman ang tanging kong pinagdarasal | |
| minsan pa sanay mayakap ka | |
| patutunayan na mahal kita | |
| ipapangako mo na ako lang ang mahal | |
| napaniwala mo ako ng napakatagal | |
| pinilit kong inahon sarilli ko sa pagkalugnok | |
| kayabangan at ego ay aking nilunok | |
| at dahil sa mahal kita binigay sayo lahat sinta | |
| nagmumukhang kawawa sa pagsunod sa iyong dikta | |
| pero sakit ng ginawa bakit akoy kinaliwa | |
| sa harap ng maraming tao ako ay pinahiya | |
| puso koy dinaya at damdamin koy winalanghiya | |
| sa pagpapakasal sa akin ikay hindi naging handa | |
| mas pinili mo pa na sumama sa iba | |
| bawat oras at gabi na pilit kitang limutin | |
| ikaw pa rin ang tibok at siyang laging susundin | |
| humihiling na sana ay kalimutan na | |
| dahil ayoko nang bumalik pa ang alaala | |
| (chorus) | |
| lastnight, nang akoy mag-solo flight | |
| dumayo sa fone 12 o'clock ng midnight | |
| di inaasahan wrong nunver ang tinawagan | |
| feeling ko tuloy akoy pinaglaruan | |
| buti nalang may taong sumagot | |
| babaeng mahiwaga at itoy malungkot | |
| kami ay nagkwentuhan, gabi ay nilasap | |
| ang ganda ng boses parang nasa alapaap | |
| di nagtagal sa kanya ay nainlab | |
| tuwa ng aking puso ay naglalagablab | |
| sa sobrang saya nagpunta sa kanyang bahay | |
| pagdating ko doon iba ang nagaantay | |
| hinanap ko ang babaing nakilala | |
| ang sabi niya sa akin wala na siya | |
| huli na ang lahat nang aking matuklasan | |
| babaeng nakikilala kinasal na sa iba |