|
Kung aawit ako nang mag-isa, |
|
Awit ko'y awitin nga ba? |
|
Sabayan mo ako, Panginoon, |
|
Sa aking pagkanta. |
|
Hangad Kang maging tinig ko't hininga, |
|
Hangad kong makita ang pagmamahal Mo. |
|
Hangad Kang makasabay sa bawat pagkanta, |
|
Hangad ko'y hangarin Kita. |
|
Kahit minsa'y aking nalilimutan, |
|
Ikaw, Poon, ay laging nariyan |
|
Kaya't ngayon ang tanging hangad ko |
|
Ay na Ikaw ay laging mapaglingkuran. |
|
Hangad Kang maging tinig ko't hininga, |
|
Hangad kong makita ang pagmamahal Mo. |
|
Hangad Kang makasabay sa bawat pagkanta, |
|
Hangad ko'y hangarin Kita. |
|
Hindi lang sa pag-awit, |
|
Kundi habambuhay. |
|
Panginoon, gawing apoy ang puso ko, |
|
Hangaring umaalab para sa 'Yo. |
|
Kung aawit ako nang mag-isa, |
|
Ako'y umaawit nga ba? |
|
Sabayan mo ako, Panginoon, |
|
Sabayan Mo ako sa aking pagkanta. |
|
Hangad Kang maging diwa ko't damdamin, |
|
Hangad kong tularan ang pagmamahal Mo. |
|
Hangad Kang makasama sa araw-araw, |
|
Hangad ko'y hangarin Kita. |
|
Panginoon, paalabin ang puso ko. |
|
Hangad ko'y Ika'y maging tanging hangad ko. |