Aking naaalala una nating pagtatagpo Natatandaang lubos lahat ng ating pangako Kung ano mang hadlang ang sa ati'y dumating Hawak kamay tayo'y sabay nating harapin At kung mawalay man Hihintayin kita Ipapanalangin ko na sana'y tayo'y Magtagpo muli Gaano kalayo ba ang dulo ng walang hanggan Paano ba natin susukatin ang magpakailanman Kung saan kaman o giliw, sana ay iyong dinggin Isang panalangin ang sasambitin bumalik ka na sa akin Isang libo at isang patak ng luha man ang dumaloy Umasa kang maghihintay pa rin Mahal saan ka na ako ba'y iyong naaalala pa Iyong haplos Iyong halik Di makalimutan kailan man Saan ka na nagdurugo ang puso ko Naghahanap sa dilim, sa liwanag Hilaga, kanluran, timog, silangan Ba't nawalay pa, hihintayin kita Ipapanalangin ko sana'y tayo'y Magtagpo muli Gaano kalayo ba ang dulo ng walang hanggan Paano ba natin susukatin ang magpakailanman Kung saan kaman o giliw, sana ay iyong dinggin Isang panalangin ang sasambitin bumalik ka na sa akin Gaano kalayo ba, ang dulo ng walang hanggan Paano tawirin ang tulay ng pag-ibig Isang libo at isang patak ng luha man ang dumaloy Umasa kang ako'y narito pa Gaano kalayo ba ang dulo ng walang hanggan Paano ba natin susukatin ang magpakailanman Kung saan kaman o giliw, sana ay iyong dinggin Isang panalangin ang sasambitin bumalik ka na sa akin Bumalik ka na Bumalik ka na sa akin