作词 : Mike Kosa 作曲 : Mike Kosa Walang Gustong Sumama Mabilad Arawan Nagchagang Nagtanim sa gitna ng Sakahan Hindi Biro Panahon kong Nilaan Biglang Dumami na Sila nung Araw na Anihan .. Formula ng Million hits sa Bagong Musika Sagradong Salita Gaya ng boses from Basilica Antigo at nag Iisa, Walang Kareplika Pirmado na ang Asya susunod na ang Amerika Ma Get ang Seven Digit Sa Talent kong legit Saglit Dumangaw Dun sa Lilim At chumempong Umi spit Pinausukan ko Ang Beat,kinatay bawat Palo Imposible kong Pangarap,ay Inabot ko ng Malayo Gumalaw parang Hokage over soul na sa herusame Plaka Sa Ding ding Sabet hanggang dun na sa Kisame Bunga ng Timplang Kapeng napuyat ng ilang Gabe Na Mahanap Ang Mabisa sa Planetang ubod ng lake Paquito diaz Sa mundo Fernando poe Hindi kumpleto ang Storya kung Wala ako Sa Pahina ng Libro ng Hiphop Nakabakat Wala Sa Umpisa Kung di nasa dulo ang PamaGat Boses Puhunan, Pagod Ang kapitaL Nakamasid Pero pumapaspas palage sa pidaL Walang Abiso Gaya ng Pag aalburuto ng taaL kumamaL ka Kada Sahod sa Tenga ay illegaL .. Mensahero sa industriya ng Kagikoya Barang Malikot sa isip mo na Paranoia Nakarineg sa Iskinita ba Ay Soya Pangalan binanggit sa kada pahina ng Storya .. Walang Gusto na Sumama Mabilad na Arawan Nagchagang Nagtanim sa gitna ng Sakahan Hindi Biro Panahon kong Nilaann Biglang Dumami na sila nung Araw na Anihan .. Ito'y Maagang Pagbigay ko ng Ayuda Mga Planong Dumakdak Sa PagsupalpaL ni Abuda At Mga Maling eksena Na sinapit ng pagoda Dinyo nAko Mauuto, mala Bale like Jinky oda .. Dumagsa ang mga Dayo, Cge Lang Patunggaen at SiPsipin ang Kada Bara ng Beats Galing Lingayen Mga Mukha, Ng responsable na ako ay kutchaen Itoy Sariwa pa isip dipa nag uulyanen Sumagupa sa Gitnang Buhay na Lupa Lumutang ang Mga maling Akala dun sa Sapa Mararating ko yan Isip ng batang naging Mama Minsan nang Nagkamali at panahon ko ng itama Pinagpalit sa kada Piso Umangat lamang ang estado Kahit di na irespeto basta Marami lang mag Follow Maangas sana kung galawangJack Sparrow Komedyante panlabas ,tumutumba ng Barumbadow Wala bahay, direkta sa gibang Apartelle Pero my Utak na kagaya ng Sinaloa CarteL at Inilatag ang Pagkain , sa Taas ng ManteL Hanngang Umabot na southern mindanao sa MarbeL Musikang di tinikman, Nilunok ng mabilis Nawala na yung Anghang , Nakakaumay yung Tamis . Bago Kumalat mala virus At Deseased Inagapan Ko Agad kaya bigla tong nirelased