作词 : Jason Dana Aranas Ramos/Clyde Christian Aquino 作曲 : Jason Dana Aranas Ramos/Clyde Christian Aquino Sakin pa ba lumilipad ang isip Magkatabi na nga pero para bang ‘di kita maramdaman Ako pa ba’ng sanhi ng iyong pag-gising Sa ikli ng panahon ay nagkataong may iba ka ng mahal May magagawa pa bang paraan Kung ang puso na ang s’yang magpapasya Subukang magbalik-tanaw sa ating nakaraan Nung panahong ang puso mo’y sa akin lang nakalaan Meron pa bang naiwang panaginip? Sana’y hindi nalang nangako kung di mo kayang tuparin Ngunit may magagawa pa bang paraan Kung ang puso na ang syang magpapasya Subukang magbalik-tanaw sa ating nakaraan Nung panahong ang puso mo’y sa akin lang nakalaan Kailangan bang kumapit sa mga sinabi mo noon Na di mo kaya ang mabuhay kung wala ako Magsisisi ba sa huli kung ikaw ay papalayain Subukang magbalik-tanaw sa ating nakaraan Nung panahong ang puso mo’y sa akin lang nakalaan Nakalaan, nakalaan Nakalaan, nakalaan