作词 : Ron Jefferson Z Perez 作曲 : John Philip Condrillon magdesisyon, gumalaw, umawit, kumilos, musika isara mga mata palawakin ang isipan, kahit na mahipan di magpapaiwan kahit mag-isa ay pilit pagsisikapan, di mapipigilan kahit mahirapan ako ay ibong malaya sa langit ako ay malayang mang-aawit ano ang gagawin mo, sa mga haharapin mo ano ang mararating mo, ito ba'y tatanggapin mo sa bigat ng mga bumangga pilit pabagsakin to ikaw lang ang gumawa iba ang nagsabi sayo kamay mo ang nadungisan noo mo'y pinagpawisan paa mo ang naputikan puso mo'y pinagpaliban sisigaw yan at tatawag hindi yan mananahimik bibitaw ka sa paghawak pagpinta gamit ang titik pakikinggan mo ang buyo ng mga hindi ka kilala ng mga isipan na tuyo alipin lang ng sistema paligid ay nakatengga sa agos na nakalinya walang gusto na sumira sa daloy ng asembliya oo, tayo'y bahagi, kasapi lang sa pamilya ngunit iwasan na maging pyesa ng makinilya bahagi ng makinarya, payaso sa perya panatilihin ang isipan na malaya lumipad ka, at tanawin mo ang lahat mula sa himpapawid kung san payapa ang lahat lumangoy ka sa ulap sabayan ang mga ibon ang panaghoy at ang hirap ilang taon mong inipon hayaan mo na mahulog at bumagsak to sa lupa magsisilbing ulan ang mga pumatak na luha aaminin ko, lahat ito'y nakakalula kaso nakakangalay tumingala mula sa lupa hindi mo kaya to at imposible yan hindi ka pwede dito hindi ka pwede dyan walang resultang mangyayare o mararating yan minsan nakakalito hindi maintindihan iba ka, iba ako, iba tayo sapagkat kung saan ka magaling, ay baka dun ako salat meron kang nagagawa na hindi kaya ng iba palakasin ang isipan na malaya meron akong nais ibahagi sating mundong mapanuri dahil aking di mawari bakit ba iisang uri inyong pinapakinggan, inyong nais na tignan pili lang at iilan ano kayang dahilan ang mga letrang isinulat o maangas na tunog itsura't pananamit datingan ng tumugtog kung gumawa ka muna ng gantong uri ng kanta yun ay kung gusto mong sumikat at mapansin nila hindi ko to maunawaan pagpasensyahan nyo na sino ba ang limitado ngayon sa ating dalawa ikaw ba na ang hanap lang ay isang tipo ng kanta o ang sumulat na iba't ibang mensahe ang dala yan ang mundo mo, ito ang mundo ko hindi ako papasok dyan at ayaw mong pasukin to walang tama walang mali, kundi ang pagkaka-iba magpapatuloy lang ang musikang malaya