作词 : Noel Cabangon 作曲 : Noel Cabangon Kay dami na nating pinagsamahan Kay dami nang pagsubok ang nalagpasan Di tayo natinag at ngayo’y narito pa Singtatag ng puno sa gitna ng sigwa Hinarap natin ang bawat hamon Ang tag-ulan at tag-araw ng bawat panahon Ngayon ang pintig ng ating puso’y iisa Di kailanman susuko, at di mawawala Chorus: Kahit saan, kahit kailan Sa atin ay walang iwanan Kung ang puso ay nalulumbay Sasamahan ka maging habangbuhay Bridge: Umihip man nang umuhip ang hanging amihan Di maglalahaho ang pinagsahaman Umikot man nang umikot ang kapalaran May awit at ala-alang maiiwan Umabot man tayo ng sampung dekada Aawit pa rin at maggigitara Kahit na mangangapa ng tono at letra Pasintabi na lang po, pagkat ako’y tumatanda Chorus: Kahit saan, kahit kailan Sa atin ay walang iwanan Kung ang puso ay nalulumbay Sasamahan ka maging habangbuhay