'Di ba, sabi ko sa 'yo Ang puso kong ito ay para lang sa isang taong katulad mo? Mahal, pakinggan mo ang awit ko sa 'yo Na sinasabi na ikaw ay iniibig ko Sa piling mo'y langit ang nararamdaman Ngunit ngayon ay pasakit at luha na lang ang iniwan mo Ano ba'ng kasalanan ko? Binigay naman lahat ng gusto mo 'Kala ko, walang iwanan, sana'y nagsabi man lang 'Di 'yung basta na lang ako iiwan, oh Sabi mo, sandali ka lang mawawala Ngunit 'di na nagpakitang muli Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo? Bakit mo ako iniwan? 'Yan ang tanong Pinaniwala mo ako sa matamis mong salita Na walang makakapigil sa pag-ibig Tanging ako lang ang 'yong mahal Ngunit nasa'n ka ngayon? 'Di mo na nga nilingon Bago na ba ang iyong kasintahan? 'Wag ka na sanang magpaligoy-ligoy, tapatin mo na 'ko Ang sakit kasing nalaman ko pa sa iba Kung sinabi mo agad, 'di na sana, 'di na sana ako nagtatanong Sabi mo, sandali ka lang mawawala Ngunit 'di na nagpakitang muli Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo? Bakit mo ako iniwan? 'Yan ang tanong Sabi mo, sandali ka lang, sabi mo, ika'y akin lang Sa 'yo na rin nanggaling na 'di ka iibig sa iba Ngunit ang tagal mo nang hindi nagpapakita Tinatanong kita, sa 'yo ako'y nagkamali ba? Bakit 'di ka makaimik? Eh, ni hindi mo ako matitigan sa mata Pabulong ka palagi kapag nagsalita Ewan ko, hindi ka naman inaano Parang tinatago mo sa 'kin hanapin Bugtong na walang sagot, babasahin Masuwerte kung yakapin, kung 'bubulong mo sa 'kin Ang dahilan kung bakit 'di ka na bumalik Sabi mo, sandali ka lang mawawala Ngunit 'di na nagpakitang muli Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo? Bakit mo ako iniwan? 'Yan ang tanong Sabi mo, sandali ka lang mawawala Ngunit 'di na nagpakitang muli Ano ba'ng kasalanan ng katulad ko sa 'yo? Bakit mo ako iniwan? 'Yan ang tanong