作词 : Rome Lagarde Mscript/Jerome De Leon Rowmee G/Ronald Abasta Seth 作曲 : Rome Lagarde Mscript/Jerome De Leon Rowmee G/Ronald Abasta Seth Sino bang may diperensya sa ating dalawa Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan Ano ang dahilan, ano ang dahilan, woah Hindi ko maintindihan kung pa’no Mo nagagawa para bang lahat ng ‘to ay nakaplano Alam kong wala akong pagkukulang pero ba’t mo ba nakukuhang Umalis nang wala man lang pasintabi, magulang ka pa sa magulang Bakit ba ‘di ako mapakali gusto ka pa din katabi Madalas nag-aabang sa iyo habang ikaw ay puro ka lamang salisi Bawat gabi, ‘di na maipinta mukha ko sa tabi-tabi Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga kasi ayoko maniwala sa mga Sabi-sabi la la la la ’Wag kang mag-alala dahil pakikinggan naman kita la la la la Minu-minuto kita na iintindihin at pasasayahin kahit pa la la la la Kaso lang hindi na ako yung buo ang tiwala dahilan ng kawalang-bahala mo sa ‘kin Tutal dyan ka masaya pero ‘di pwedeng ako lang ‘yong kawawa Sino bang may diperensya sa ating dalawa Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan Ano ang dahilan, ano ang dahilan, woah Bakit ba hindi ko maipaliwanag Parang kanina nag-uusap lang sa tawag Biglang nagbago ang ihip ng hangin Madalas na yatang ganyan ka sa akin Sinong may diperensya hindi ko na malaman Sa lahat ng kalokohan mo wala ‘kong kinalaman Ano ang aking gagawin ang hirap mong intindihin Pilit kitang inuunawa pero ba’t ganun pa din Ano ang paniniwalaan, anong totoo Sino ba sa ’tin nagsasabi ng totoo Ayokong umabot sa punto na tayo magkalokohan Ang pakiusap ko sana ay magawa mo ‘ko na pahalagahan Sino bang may diperensya sa ating dalawa Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan Ano ang dahilan, ano ang dahilan, woah Sana alam ko na ‘yung dahilan Madami ang babae na nagkandarapa dyan Sa pwesto mo, oh please, ano bang dahilan Ba’t di mo oh idaan sa usapan ‘Yung mga lambing mo ‘yun laging hanap ko Isipan mo ng mali ay ‘di ko magagawa Madalas topakin ka, ang maglambing ay wala Ang umalis ka nang biglaan ay ‘di ko kinaya Teka lang chill muna tayo pag-usapan natin ‘to Tila bang pinaikot mo lang ang aking mundo Sa dami-dami ng ginawa ko sa ’yong napakaganda Tila ba mali ko pa ang lagi mong nakikita Sino bang may diperensya sa ating dalawa Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan Ano ang dahilan, ano ang dahilan, woah Ba’t umalis lahat naman ay ginawa para sa ’yo ’Di nainis kahit ako ay nagmukhang tanga sa ’yo Bakit parang lahat ng ginagawa ko ay mali para sa ’yo Tapos ikaw pa ang may gana na magsabi na nakakasawa na ako Wala naman akong ginawa kundi suyuin ka gabi-gabi Ang gusto ko lang naman ay makasama, mayakap ka’t makatabi Malabo na ngang maayos pa ang relasyon natin Kaya magpapaalam na pasensya ‘di ko na kinaya ’Di na kita kilala ika’y ibang-iba, ika’y nagbago na (Soulstice) Sino bang may diperensya sa ating dalawa Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan Ano ang dahilan, ano ang dahilan, woah Sino bang may diperensya sa ating dalawa Tingnan mo muna ang sarili mo bago manghusga Isang gabing puro usapan kung bakit ka nang-iwan Ano ang dahilan, ano ang dahilan, woah