Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama Mas okey pang laging gan'to, nalilimutan ka Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko? Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita Subalit nasaan ka na, sumama sa iba Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na