[00:11.72] Sino sa atin ang dapat sisihin [00:23.88] Sino sa atin ang dapat ibitin nang patiwarik [00:34.85] Dahil ang kasagutan ay 'di makikita sa iba [00:46.62] At ang pananagutan kung minsa'y sa bida [00:56.11] Halika titigan natin ang salamin [01:01.52] Kaibigan bakit 'di natin subukang harapin [01:07.59] At ang mga katanungan ay ating sagutin [01:13.47] At ang gusot ay malunasan at tuluyang malaman mo [01:20.25] Kung sino ang tunay na salarin [01:25.64] O sino ba ang salarin [01:27.11] Kung bakit ang higaan mo'y walang sapin [01:29.25] Mga pingga'y walang laman at hardin mo'y walang tanim [01:32.50] Sinong dapat sisihin, sampalin at sakalin [01:35.38] Kung bakit sa dapat na patutunguhan mo ay 'di ka makarating [01:38.36] Sa tuwing maiisipan mo kung bakit ka nasa dilim [01:41.38] Kung bakit palagi ang pakiramdam mo'y nahuhulog ka sa bangin [01:44.54] At sa tuwing walang sino man ang nand'yan para pakinggan ang iyong daing [01:47.48] 'Wag mo sanang masamain [01:48.72] Subukan mo ang pananaw mo ay baliktarin [01:50.55] Bakit 'di mo tanungin ang iyong sarili sa harap ng salamin [01:53.56] Para maintindihan mo nang mabuti yung ayaw mong intindihin [01:56.11] Isa kang halimbawa ng taong walang kapintasan at laging napaka galing [01:59.35] Ikaw ba ang biktima o s'yang dapat ibigti na salarin [02:02.05] Takot ka bang tanggapin ang ayaw mong harapin na ikaw ay mali [02:05.23] Bakit hindi ituwid mga katwiran mo bago pa mahuli aking kapatid [02:08.28] Kailan mo ba mababatid sa iyong sarili ikaw din mismo ang sisira [02:11.44] 'Di mo ba nakikita kahit walang ilaw ay napakalinaw ikaw ang halimaw sa... [02:15.09] Salamin [02:16.52] Kaibigan bakit 'di natin subukang harapin [02:22.84] At ang mga katanungan ay ating sagutin [02:28.68] At ang gusot ay malunasan at tuluyang malaman mo [02:35.46] Kung sino ang... [02:37.33] Marami ang tama, maraming mali [02:43.73] Mga ayaw mong makita ang s'yang ikinukubli [02:49.38] Sino ang tama, sinong mali [02:55.85] Tandaan na ang buhay natin dito sa lupa tayo'y mistulang binhi [03:02.95] Suklay ng buhok, pulbos sa mukha [03:05.97] Madami ang bagay na 'di halata [03:08.62] 'Pag iba ang tumingin hindi naman malubha [03:11.91] Pero sa ating sarili, hindi makakaila [03:14.71] Tulala sa harap ng salamin at aking tinitigan ng maigi [03:17.34] Kahit na walang imik ang repleksyon kung may lamat ang hinararap na tila ba pipi [03:20.46] Sa sala sinimulan na mawili, aking inuusisa sa sarili [03:23.22] Kung ano bang tunay na ibig sabihin talaga ng "Huli na para mag sisi" [03:26.52] Ano daw andidito ka ba, o ang hanap lang ay masisisi mo aba [03:29.53] Kita mo ba na may muta ka at puwing kung hindi mo pansin ay may piring ka sa mata [03:32.31] Hoy, gising na kaya baka 'di ka makatawa [03:34.07] Sino kaya ang sasabihin mong tanga [03:35.22] 'Pag nalaman mo na ang iyong mga pagkadapa'y pagkatisod lang sa sarili mong paa [03:38.73] Asahan na dapat lagi kang handa sa karma ng bawat maling nagawa [03:41.83] Mga basurang tinapon mo noon ay inagos ngayon pabalik lang bangka, mapait, mapakla [03:45.48] 'To ang sadya, lasa ng katotohanan [03:47.75] Minsan ang sariling 'kala mong kakampi madalas ang tunay na kalaban [03:50.79] Harapin ang pananagutan ano man ang dulot sa'kin sa'yo [03:53.44] Kahit na makalusot din ako sa mga gusot mong sinalo [03:56.19] Kaya naman lungkot ang tinamo [03:57.67] 'Pagkat ang baluktot hindi talo [03:59.18] Sapagkat sa mundo sa erang ito dapat lang na buntot mo hila mo [04:03.48] Mali ng iba ay 'wag mong tignan [04:06.30] Hindi mo dapat ituring na katatawanan [04:09.03] Lahat ng kaya ay matatapatan [04:11.97] Pagdating sa huli lahat tayo ay papalitan [06:01.86]