Kahit na, kahit na ganyan Pangit man, aking pagtatakpan Lokohin mo ako, sabihin mo ay ganito Tuwing kapiling, huwag mong sabihin sa 'kin ang totoo Kahit pa magkalat, ikaw ay magbalat Kayo, sa buhay na kagandaha'y hindi sapat Buto ma'y mabanat, laliman ang kagat Alam kong 'di mo sasabihin sa 'kin ang lahat Ano ba ang dapat na paganahin? Naglalaro ang isipan, kalaban ang damdamin Nalilito minsan kung ano ba't dapat unahin Pero kahit na ganu'n, kailangang unawain Kasi hindi maamin, tunay na nararamdaman Tanggap na lang kahit palaging pinagtatawanan Dati nag-aalangan ngunit 'yun ata'ng itinadhana Muntik na 'kong maniwalang destiniya ay madaya Ngunit ganu'n pa man, wala akong paki (Wala) Ayos lang din sa 'kin kahit 'di ipagmalaki Kahit pa ramdam ko talaga ano ang gusto Basta huwag mong sabihin sa 'kin kung ano'ng totoo Kahit na, kahit na ganyan Pangit man, aking pagtatakpan Lokohin mo ako, sabihin mo ay ganito Tuwing kapiling, huwag mong sabihin sa 'kin ang totoo Kahit pa magkalat, ikaw ay magbalat Kayo, sa buhay na kagandaha'y hindi sapat Buto ma'y mabanat, laliman ang kagat Alam kong 'di mo sasabihin sa 'kin ang lahat Matutuloy pa ba o dapat nang tigilan, pagpilitan 'Di na tama kung ano ang sa atin namamagitan Kung iyon talaga ang dapat, mag-ingat ka, salamat Sa mga araw na mga kamay ay magkahawak Kahit 'di magsalita, kitang-kita sa mata Na wala nang mundo sa kung hindi ka masaya Dun ko na-realisa na aabot din sa punto Na baka hindi rin tayo aabot hanggang sa dulo (Dulo) Ngunit ganu'n pa man, wala akong paki (Wala) Ayos lang din sa 'kin kahit 'di ipagmalaki Kahit pa ramdam ko talaga ano ang gusto Basta huwag mong sabihin sa 'kin kung ano'ng totoo Kahit na, kahit na ganyan Pangit man, aking pagtatakpan Lokohin mo ako, sabihin mo ay ganito Tuwing kapiling, huwag mong sabihin sa 'kin ang totoo Kahit pa magkalat, ikaw ay magbalat Kayo, sa buhay na kagandaha'y hindi sapat Buto ma'y mabanat, laliman ang kagat Alam kong 'di mo sasabihin Pilitin mang ibaling mo ang ihip ng hangin 'Di magbabago ang lasa ng labi mo sa akin Gabi-gabing hinaing, kahit 'di ka umamin Alam ko na kung sino sa atin ang sinungaling