作词 : Cyrus Valdez 作曲 : Cyrus Valdez Verse: Noong ako'y musmos pa lamang Ako'y 'yong laging buhat buhat O, ang ating mga tawang wagas Angkas angkas sa'yong balikat Abot kamay ko na ang langit Parang hawak ko na nga ang araw 'Di naman pala gano'n kainit Ngunit ito nga'y nakakasilaw Tuwing ako'y iyong karga Pakiramdam ko ang gaan ng buhay Ang mundo ngayong walang tinta Dati'y 'di ko mabilang ang kulay Busog parati ang mga mata Lahat ng makito ko no'n Pero tila sila'y nawala No'ng nagsimula akong tumanda Nakakabigla Bigla bigla na lang bumigat Sa isang iglap Biglang 'di mo na ako mabuhat Binulungan, "Anak Tuturuan na kitang maglakad" Ako'y 'yong binaba At lahat na lang ng aking hinakbang Ako'y nadapa Chorus: Isakay sa'yong balikat Upang ako'y makalipad Itago sa'yong yakap Ibaon sa'yong dibdib Upang ako'y makaidlip 'Wag mo nang luwagan Ang kapit mong mahigpit Verse: Dati rati 'pag madilim na Takot parati 'Pag matutulog na Ika'y katabi, sa kumot kahati Biglang magtatalukbong 'pag may kumaluskos sa bubong Ako'y 'yong pakakalmahin Sa pamamagitan ng pagbulong sa aking tenga "Teka, bakit ka natatakot? 'Di ba yakap yakap kita Mula paa hanggang sa batok? Kumpara sa kumot na 'yan Saki'y mas protektado ka, 'di hamak Pangakong habang nandito ako'y Ika'y kailanma'y 'di mapapahamak" Dahan dahang paghatak sa'kin Papalapit sa'yo Anong ginhawa naramandaman Makatabi ang puso mo Madikit lamang sa'yong dibdib Tiyak mahimbing ang tulog ko At mananaginip na habambuhay Ika'y makakapiling ko Chorus: Isakay sa'yong balikat Upang ako'y makalipad Itago sa'yong yakap Ibaon sa'yong dibdib Upang ako'y makaidlip 'Wag mo nang luwagan Ang kapit mong mahigpit Verse: Unti-unting napapansin ang 'yong lakas na Tumatakas sabay ng pagdagdag ng 'yong edad at Ang realidad ng mga panahong Lumipas na sa kahapon Nakikita ko pa rin sa'yong mga mata Hanggang ngayon Pagpasensyahan mo na Ang aking mga nagawa Mga pagkakamaling ikaw rin nagsabing Likas sa aming mga bata Pero bakit nang tumanda Ligaw pa rin at walang alam Ilaw mo pa rin ang tinitingala Takot pa rin at naguguluhan Ngunit anong sakit na Makita ang 'yong bayani Na pinilit kayong iahon Araw araw siyang kumayod Ngayon hirap ka na ngang bumangon Pero 'wag mag alala Dahil ako ngayo'y babawi Magpahinga ka na, mahal Sa'yong pagod ako ang papawi Chorus: Sumakay sa'king balikat Upang ika'y makalipad Magtago sa aking yakap Sumandal sa aking dibdib Upang ika'y makaidlip Tandaan na lagi kang Nasa puso't isip Tandaan na lagi kang Nasa puso't isip Tandaan na lagi kang Nasa puso't isip