[00:22.03] Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato [00:28.73] Kasing gulo ng tao [00:32.04] Kasing gulo ng mundo [00:35.95] Dahil di magkasundo [00:39.17] Sa relihiyon at prinsipyo nagkagulo [00:49.15] Ang bayan ko sa Cotabato [00:52.26] Kasing gulo ng isip ko [00:55.78] Di alam kung saan nanggaling [00:59.18] Di alam kung saan patungo [01:02.43] Kapatid sa kapatid [01:05.88] Laman sa laman [01:08.92] Sila-sila ang naglalaban [01:12.45] Di ko alam ang dahilan ng gulo [01:22.74] Bakit nagkaganon ang sagot sa tanong ko [01:29.35] Bakit kayo nag-away bakit kayo nagkagulo [01:35.85] Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto [01:42.95] Kung nagtulungan kayo [01:45.91] Di sana magulo ang bayan ko [01:52.58] Sa bayan kong sinilangan sa timog Cotabato [01:59.58] Ako ay namulat sa napakalaking gulo [02:06.07] Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao [02:13.14] Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo [02:24.16] Ang gulo [02:39.25] Ako'y nananawagan [02:42.52] Humihingi ng tulong n'yo [02:45.26] Kapayapaa'y bigyan ng daan [02:48.77] Kapayapaan sa bayan ko [02:52.24] Bakit kailangan pang maglaban [02:55.53] Magkapatid kayo sa dugo [02:58.82] Kailan kayo magkakasundo [03:01.86] Kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko [03:12.06] Kung ako'y may maitutulong [03:14.88] Tutulong nang buong puso [03:19.09] Gitara ko'y aking inaalay [03:21.50] Kung magkagulo'y gamitin mo [03:25.27] Kung ang kalaba'y walang puso [03:28.54] Puso na rin ang gamitin mo [03:31.80] Ituring mong isang kaibigan [03:35.58] Isipin mong siya'y may puso rin katulad mo [03:42.06] Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo) [03:45.73] Sa timog Cotabato (sa timog Cotabato) [03:49.02] Ako ay namulat (kailan matatapos) [03:52.12] Sa napakalaking gulo (ang gulo) [03:55.63] Dahil walang respeto (kailan magkakasundo) [03:58.24] Sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao) [04:01.99] Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino) [04:04.95] Ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo) [04:13.25] Ang gulo