Hawak ang iyong kamay sa paglapag Sa mundong hindi tanggap ang ating pagsasama Maraming salita sa harap, sa kanan at kaliwa Ngunit hindi matitinag (mga puso natin handa) Sigaw nilang lahat (mga bata pa kayo) Dami niyong kailangang malaman Musmos pa lang kami (ganito na ang buhay) Ito na ang katotohanan Pinili mong kumayod upang suportahan Ang aking pag-aaral, ang ating hinaharap Hindi tayo takot (kahit na mahirap pa) Mundo ay iikot Walang alinlangan (basta't makasama ka) Kahit na gutom (basta't makasama ka) (Basta't makasama ka) Hawak ang iyong kamay pauwi mula sa araw na kay haba Kahit na mahirap ang buhay basta't makasama ka Sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa Sa pagputok ay ninakaw ka nila At pagpikit ng iyong mata Hindi kita maiwan Hindi kita maiwan Hawak ang iyong bangkay sa pagpatak ng mga luha 'Di ko pa rin tanggap na wala ka na Anong magagawa Giliw, ako'y takot ('pagkat mahirap ang) Mundo ay iikot Nang wala ka na (bakit ba kinuha ka?) Dami kong tanong (bakit ba kinuha ka?) Bakit ba kinuha ka sa akin? Hawak ang mumunting kita mula sa araw na kay haba Lunod na lunod na sa hirap, may pag-asa pa kaya? Sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa Sa pagputok, ang sakit ay dama Sa pagpikit ng aking mata Ang buhay ba namin barya Para sa katulad nila? Walang laman tiyan Pero katawan namin punung-puno ng tingga Karahasan ba ang sagot? Karapatan ba ay limot? Anong dahilan? Anong dahilan ba nito? Sa huli, magkatabi silang ililibing Wagas na pag-iibigan kinitil Sa pagsara ng kabaong nila Ang hustiya ba'y bulag? Nalulunod sa dugo Ang hustiya ba'y bulag? Nalulunod sa dugo Ang hustiya ba'y bulag? Nalulunod sa dugo Ang hustiya ba'y bulag?