And you can ask anybody here If I allowed the police man to kill human being kneeling down or They're hand are right to surrender But I always told you That if you have to shoot Shoot them dead (shoot them dead) Mga anak salamat sa lahat Lalo na sa pagpapatakbo ng alamat (pakagat) Kontra droga ang pamagat Kamaong naka-ngarat ang pabalat Para sa kaayusan para sa kaunlaran Para sa kapayapaan ano ba naman ang kamatayan Ng mga salot na lango Kayo nang bahala kung paano ang galaw Matayog ang pangako mababa ang tanaw Tira lang ng tira 'gang walang matira Bubusalan ang mga mag bibida Bala ang batas bala ang pitaka Bala ang balitang di makilala Ito'y digmaan ito ang pasinaya Mga anak kayo ang makinarya At sa pagsupil ng mga salot ng lipunan 'Wag nang alalahanin ang kanilang karapatan Ang aking salita ang siyang magiging armas Ang aking salita ang siyang magiging batas Aking mga anak ipalaganap nyo ang utos ko 'Wag kayo matakot na malunod sa dugo Ang aking salita ang siyang magiging armas Sa aking salita walang makakaligtas I prefer to shoot the in the heart or in the head That's the end of problem Mga bilin ni tatay himayin Isalin at ibatay sa mga sasaklawin Ng bawat kagawaran komisyon at ahensya Nang magka-alaman ng hatian ng ebidensya Este pwersa Gawing reso gawing memo gawing utos Clearing operations na hanggang maubos Anong punto bulto-bulto lang ng puntos May kita este quota at may panustos Isasabuhay mga salitang pumapaslang Nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang Sa pagputok ng bariles tutugisin ang mamayan 'Di nila kailangan na malaman ang dahilan Basta ba't barilin nyo nalang Adik adik basta nasa listahan automatic ay adik Isinulat ng mga nagmamasid Ignorante man o ganid Importante ang pulis may target Mabisang mata Kapit-bahay na binitawan na ang kanyang moralidad Ginagamit na sila para ilag-lag Ang kapwa sila-sila na nagtuturaan Nagpapalakas kay itay kaya damihan nyong pumatay Coordinate bago ma-terminate gawing baranggay ng bangkay Droga ang kalaban pero tiyakin ang baril sa tao nakatutok Dobol barrel sa bawat patak ng dugo kapalit ay piso Isasabuhay mga salitang pumapaslang Nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang Sa pagputok ng bariles tutugisin ang mamayan 'Di nila kailangan na malaman ang dahilan Basta ba't barilin nyo nalang Memorandum circular Hudyat ng aming pag galaw Hahalug-hugin ang bawat sulok Kahit na mag-tago'y lilitaw Kalyeng madilim malagim di pansin Ng mga nasa listahan na sila'y papaslangin Parte ng mga kotang tatapusin Palengke man o burol Bilyaran sementeryo Gamit ang matang nagmamasid Markado na agad ang mga ulo Si Kap ay nasabihan na Wala nang pwedeng umalma Target napalibutan na Mga baril naka kasa Sir may posibleng saksi Mga anak at kanyang misis Ano nga ba protocol natin Wala naman sila sa drug watch list Wag mo na intindihan yan Trabaho mo'y gawin mo nalang 'Di mo ikaka-asenso Saka wala silang bilang Pinasok na ang bahay at ginapos na lahat ng pwedeng witness Mukha ng target ay nasa sahig baril ang paglilitis (siya ba yan) Pumapalag pa siya't tinatanggi ang pagiging adik Taintim na nag-mamakaawa Sir di naman ako