Tuwing kita'y nakikita Dugo ko'y kumukulo Parang tiyan na nasira Sa kakakain ng sugpo Ano ba naman ang sikreto mo Kay tapang mong pumanhik sa bahay ko Ano bang gayuma ang gamit mo At in-love sa 'yo ang anak ko 'Di na makatulog 'Di pa makakain Kulubot sa noo Pati na sa pisngi Sa kaiisip sa iyo Kulubot ko'y dumadami Tuwing kita'y nakikita Dugo ko'y kumukulo Tuwing dalaw sa anak ko Presyon ko'y 'di masugpo Kailan ba kita mababatukan Sana'y malapit na Malapit na