Sa lumang simbahan Aking napagmasdan Dalaga't binata Ay nagsusumpaan Sila'y nakaluhod Sa harap ng altar Sa tig-isang kamay May hawak na punyal Kung ako'y wala na Ang bilin ko lamang Dalawin mo giliw Ang ulilang libing At kung maririnig mo Ang taghoy at daing Yao'y pahimakas Ng sumpaan natin At kung maririnig mo Ang tugtog ng kampana Sa lumang simbahan Dumalaw ka lamang Lumuhod ka giliw sa harap ng altar At iyong idalangin ang naglahong giliw At kung maririnig mo Ang tugtog ng kampana Sa lumang simbahan Dumalaw ka lamang Lumuhod ka giliw sa harap ng altar At iyong idalangin ang naglahong giliw