作词 : John Philip A. Condrillon 作曲 : John Philip A. Condrillon Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC Ilang kwaderno na nga bang inubos ko para lang ang Dating bagitong makatang ito'y mistulang sandatang Pang-harabas hinasa, para manabas isa ka Sa mababawas sa pila, anumang lakas ay halika Manunula mula pa taong 2001 Hinuhulaan mo pa lang ang iyong kapupuntahan Kaso nga lang dito satin ay may kaibahan Ang pagtingin sa gaya naming di maintindihan Ano bang mali sa pagiging emcee ko sa edad na trenta Ano ngayon kung hindi na bumibenta Tingin mo sa kagaya namin walang kwenta Humanap ka na lang kausap mo, eto singkwenta Di kami sikat, lalong di kami kilala Di kami angat, ngunit pilit na hinihila Dapat pang habaan ang iyong pisi Dahil dito sa Pinas mahirap maging emcee Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC Kapag magpapakalalim ay sasabihang manggagaya Wag sasama sa amin yan ay kung di mo naman kaya Lahat ng pangungutya at mga pambubuska Kung hindi mo masikmura siguradong ubos ka Tapos ka, sa mga matang mababaw tumingin Ibuhos mo man lahat di ka pa rin papansinin Kung hindi mo sila kaya na pakiligin Kung hindi mo sila kaya na pasayawin Kaya naman lalo tuloy na pumapanget ang tingin Dahil akala ng lahat yan lang kayang gawin Ng musikang ito, na pinagmamalaki ko Minahal ko ng buo Kaya naman wala akong pakealam ano man ang sabihin Hip-Hop pa rin ako, yan hanggang sa bawiin Na ng Diyos na maykapal ang buhay na ibinigay Ang talento kong taglay dito pa rin iaalay Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC Kung wala kang labsong walang makikinig sayo Kapag puro labsong baduy naman tingin sayo Jejemon, bisaya, jologs, ano pa? Iba kami sa kanila wag nyo kaming ikumpara Kumbaga marami lang ang gusto lang na makiuso Pero kapag kakilala madalas umaabuso Naglabas ng ilang libo sa artistang di kilala Pagkatapos pag sa kapwa libre pa gustong makuha Pambihira, paano tayo aasenso pag ganyan Barya na nga lang di pa mapagbigyan Pamasahe na nga lang kung minsan abunado pa Pagkatapos kumanta kami nama'y tablado pa Kahoy ang entablado, ang mic dispalinghado Kapos ang hininha mga barang kinabisado Kahit paano sana ay matutunang tangkilikin Dahil tulad ng iba, ito'y sariling atin Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC Ito ang buhay na pinili ko mula ng pagkabata Handang pagsumikapan at hawakan ang panata Para sa kultura at sa kanyang adhikain Ako'y isang Pinoy MC