作曲 : Daniel Zildjian G. Benitez/Christian Gabriel P. De Castro/Blaster Mitchelle M. Salonga 作词 : Daniel Zildjian G. Benitez/Christian Gabriel P. De Castro/Blaster Mitchelle M. Salonga Sa kanya kanyang pangarap na nakipaghabulan Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan Mag-tampisaw sa tag-ulan ng kaligayahan mapunan Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan Anumang dumating na problema dedma Barya lang ang katapat ng tawang abot tenga Di ko namalayang tumakbo 'yung panahon Kung hindi pa ko lilingon sa dating pitaka't lamesa Dati ko'ng mundo, palaruang malawak Sa piling ng bawat katotong kasabay ko mangarap Tawidin ang alapaap ng pati buwan makayakap Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab, tara! Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata Samahan mo ako lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Nagpapasalamat kami sa alaala Ganun padin ang mundo naging makulay lang siya para sa'kin Sa tulong ng kada berso kong inuumaga Ako pa din 'tong kayang makisama makitawa Magpakalango sa nakaraan nating alaala Madami mang padating na dapat pang yakapin diyan Pagsubok sa piniling kapalaran, parte yan Saludo sa mga tropa na palaging nandiyan Kahit saan para sa dagok makipasan Sa ngayong kami naman mangibabaw o pangibabawan Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan Nakaraan pasanin pahirapang ilarawan Dating ingay ng tahanang naging boses ng lansangan Bakas ng kapalaran ko Tangi kong sandata Samahan mo ako lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Nagpapasalamat kami sa alaala 'Wag kang mangaba, sa aking pag-alis 'Wag kang mangaba, sa aking pag-alis 'Wag kang mangaba, sa aking pag-alis 'Wag kang mangaba, sa aking pag-alis Silang mga nagtiwala sa'kin nung wala pa kong Alam sa kayang mabago ng barang kinabisado Sa kubeta't lababo hanggang sa TV at radyo Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano Bilang regalo itong awitin muna sa ngayon Na mananatiling nandiyan mapawala ka't magkaron Siyang paalala na din kasama mo 'ko palagi Anumang hinaing sa pagsubok mo, ako'y kahati Dati nakatingala lang tayo sa mga tala 'Wag mag-alangan abutin, sige ako bahala Maging halimbawa at gabay mo para maniwala Sa'yong makakaya, bilang kapatid mo kay Bathala Samahan mo ako lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Samahan mo ako lumingon sa kahapon Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon Sa mga dati at ngayong nakasama Nagpapasalamat kami sa alaala