Sana'y maghintay ang walang hanggan Hanggang makilala mo ako ang iyong mahal Baka ko matutuhan kita'y kalimutan Baka pangako ko'y dumating sa kailanman Sana'y maghintay ang walang hanggan Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay Kahit na ikaw pa ay lumimot Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot Ang bituin, akala mo'y naglalaho 'Yun pala sa ulap lang nakatago Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro 'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas 'Di kita pipigilan kailan man magbago ng isipan Habang kapiling ka Ligaya'y walang hanggan Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan Muling buksan ang puso Muling sundan ang araw Hawiin mo ang ulap ngayon Sa bawat pag-ikot ng ating buhay May oras kailangan na maghiwalay Puso'y lumaban man, walang magagawa Saan ka, kailan ka muling mahahagkan? Ikaw ang pangakong taglay ng isang bituin Tanging pangarap sa Diyos ay hiling Makapiling sa bawat sandali Ikaw ang pag-ibig sa araw at gabi Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim Napapawi'ng hirap at pighati Langit ang buhay sa tuwing ika'y hahagkan Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan Sa piling mo ang gabi'y tila araw Ikaw ang pangarap Ikaw lamang Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig