[01:06.074]Sana'y maghintay ang walang hanggan [01:14.553]Hanggang makilala mo ako ang iyong mahal [01:20.801]Baka ko matutuhan kita'y kalimutan [01:26.489]Baka pangako ko'y dumating sa kailanman [01:34.625]Sana'y maghintay ang walang hanggan [01:42.225]Sana ang iyong paglingap ay muli kong matikman [01:48.802]Subalit kung paglimot ay 'di mapigilan [01:55.729]Alalahanin mong kay tagal kitang hinintay [02:09.904]Kahit na ikaw pa ay lumimot [02:21.369]Mundo ko'y tutuloy sa pag-ikot [02:33.058]Ang bituin, akala mo'y naglalaho [02:39.138]'Yun pala sa ulap lang nakatago [02:44.817]Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro [02:56.433]'Di ba sa simula sinabi mong walang matitiyak [03:07.185]Kaya't ligaya habang kapiling mo'y isiping 'di magwawakas [03:17.477]'Di kita pipigilan kailan man magbago ng isipan [03:31.885]Habang kapiling ka [03:35.949]Ligaya'y walang hanggan [03:46.405]Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan [03:57.548]Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam [04:07.589]At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan [04:20.173]Muling buksan ang puso [04:25.197]Muling sundan ang araw [04:30.620]Hawiin mo ang ulap ngayon [05:13.468]Sa bawat pag-ikot ng ating buhay [05:26.413]May oras kailangan na maghiwalay [05:38.549]Puso'y lumaban man, walang magagawa [05:49.957]Saan ka, kailan ka muling mahahagkan? [06:03.269]Ikaw ang pangakong taglay ng isang bituin [06:14.855]Tanging pangarap sa Diyos ay hiling [06:20.125]Makapiling sa bawat sandali [06:26.545]Ikaw ang pag-ibig sa araw at gabi [06:38.391]Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim [06:43.626]Napapawi'ng hirap at pighati [06:50.998]Langit ang buhay sa tuwing ika'y hahagkan [06:57.399]Anong ligaya sa tuwing ika'y mamasdan [07:02.351]Sa piling mo ang gabi'y tila araw [07:09.478]Ikaw ang pangarap [07:13.630]Ikaw lamang [07:25.644]Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal [07:32.099]Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal [07:37.732]Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning [07:42.973]Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin [07:51.700]Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal [07:58.116]Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay [08:03.796]Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning [08:10.436]Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig