[00:00.000] 作曲 : Aristotle Pollisco [00:42.364]Kayo po na naka upo [00:47.142]Subukan nyo namang tumayo [00:52.527]At baka matanaw at baka matanaw na nyo [00:57.214]Ang tunay na kalagayan ko [01:01.275]Ganito kasi yan eh [01:03.257]Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng [01:05.708]Malaking bahay at malawak na bakuran [01:08.318]Mataas na pader pinapaligiran [01:10.772]At naka pilang mga mamahaling sasakyan [01:13.391]Mga bantay na laging bulong ng bulong [01:15.293]Wala namang kasal pero marami ang naka barong [01:18.079]Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong [01:20.491]Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong [01:22.926]At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon [01:25.521]At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon [01:28.033]Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan [01:30.671]Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan [01:33.143]Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan [01:35.703]Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan [01:38.232]Kaya naman hindi niya pinakakawalan [01:40.788]Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan [01:43.246]Kayo po na naka upo [01:47.604]Subukan nyo namang tumayo [01:53.033]At baka matanaw at baka matanaw na nyo [01:57.830]Ang tunay na kalagayan ko [02:03.503]Mawalang galang na po [02:04.747]Sa taong naka upo [02:05.858]Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno [02:08.449]Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero [02:11.056]Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo [02:13.493]Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin [02:16.030]Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling [02:18.580]Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero [02:21.133]Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo [02:23.841]Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero [02:26.169]Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo [02:28.635]Pero kulang na kulang parin [02:30.392]Ulam na tuyo't asin [02:31.716]Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin [02:34.362]Di ko alam kung talagang maraming harang [02:36.344]O mataas lang ang bakod [02:37.586]O nagbubulag-bulagan lamang po kayo [02:39.816]Kahit sa dami ng pera niyo [02:41.112]Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo [02:43.731]Kaya [02:44.506]Wag kang masyadong halata [02:47.716]Bato-bato sa langit [02:52.139]Ang matamaa'y wag magalit [02:56.565]O bato-bato bato sa langit [03:02.168]Ang matamaan ay [03:05.052]Wag masyadong halata ooh [03:09.839]Wag kang masyadong halata [03:13.327]Hehey [03:14.887]Wag kang masyadong halata [03:19.849]Wag kang masyadong halata