Hiram sa Diyos ang aking buhay Ikaw, ako, tanging handog lamang 'Di ko ninais na ako'y isilang Ngunit salamat dahil may buhay Ligaya ko na ako'y isilang 'Pagkat tao ay mayroong dangal Sino'ng may pag-ibig? Sino'ng nagmamahal? Kundi ang tao, Diyos ang pinagmulan Kung 'di ako umibig Kung 'di ko man bigyan halaga Ang buhay kong handog Ang buhay kong hiram sa Diyos Kung 'di ako nagmamahal, sino ako? Ligaya ko na ako'y isilang 'Pagkat tao ay mayroong dangal Sino'ng may pag-ibig? Sino'ng nagmamahal? Kundi ang tao, Diyos ang pinagmulan Kung 'di ako umibig Kung 'di ko man bigyan halaga Ang buhay kong handog Ang buhay kong hiram sa Diyos Kung 'di ako nagmamahal, sino ako? Kung 'di ako nagmamahal, sino ako?